Sabado, Agosto 1, 2015

The Unforgettable

This article is all about my high school life. I decided to narrate my story because of Shania Twain. I have bought her book telling her life story and I found it very inspirational. Like her I would like to share some part of my life story for the purpose of inspiring others. Also, I want them to know that there is more about me that they didn't know.  Lastly, I'd like to share something that is very dearest to my heart -- my high school life.. Shania Twain once said, "How could anyone already living a full, adult life not have enough something worth writing about that would be of interest and possibly be meaningful to someone else?"


P.S THE CONTENT OF THIS ARTICLE IS WRITTEN IN FILIPINO. ENJOY!


     Simple but worth remembering, ganyan ko mailalarawan ang high school life ko. Wala kaming malls or other establishments na pwedeng pasyalan before ng mga friends and classmates ko.  Ang meron lang kami? Ang tabing-dagat. Yes, malapit lang kasi yun school namin sa dagat ilang metro lang ang layo.

     Tandang-tanda ko pa before ako tumungtong ng high school, nagkaroon muna ako ng seryosong usapan sa papa at mama ko sa may terrace ng bahay namin. “Roa, kapag aral, aral lang. Naiintindihan mo ba?” tanong ng papa ko sa akin. Syempre ako naman todo “Oo” ako. “Nakikita mo yang puno ng mangga? Kapag nalaman ko lang na magboboyfriend ka, ilalambitin ko kayong dalawa diyan.” Sa takot ko sagot ko sa papa ko noon, “Si papa naman, di ko gagawin yun no! Mag-aaral lang ako.” Yun mama ko nakikinig lang sa amin. At the age of 12 or 13 walang wala pa akong muwang sa ganyang bagay. Naglalaro pa ako niyan ng paper dolls. Hahaha.

       Maliit lang yun school namin before, 2 sections for first year and second year, and one section for each third year and fourth year students. But there’s a saying nga diba,“small but terrible.” Kasi kahit maliit lang yun school namin kaya naming makipag compete sa mga bigger schools. At gusto ko lang ipagmalaki (I am sorry) na yun nag Top 10 sa May 2014 Civil Engineer Board Exam ay kaibigan  ko na graduate rin sa school na yun. (Nakaka-proud lang kasi talaga. :D)

         Naging SSG (Supreme Student Government) class representative ako noong first year at di ko makakalimutan yun sinabi sa akin ng isa kong co-officer nun, “Ihanda mo na sarili mo, kasi ikaw ang susunod na magiging SSG President balang araw.” Tumatak talaga yan sa isipan ko, kasi I wonder paano nila na prepredict yun future ko? First year till third year di ako nawawala sa pagiging officer ng SSG. Tapos nung fourth year na ako, na-elect ako as SSG President. Nagkatotoo nga yun prediction ni ate sa akin. Tandang-tanda ko pa, nasermonan ako ng principal namin kasi wala ako sa unang araw ng pasukan. Every SY kasi lagi akong late na pumapasok after a week na kasi nagbabakasyon kami dito sa Manila. Tapos nabalitaan ko pa na nagtransfer yun Vice President ko ng school kaya nayare talaga ako nun.

       My senior year was like a hell for me. Sa totoo lang. Ang hirap i-balanse yun focus ko sa study saka yun mga duties and responsibilities ko sa school. Lalo na napre-pressured ako kasi expected nila ako yun magiging Valedictorian or Salutatorian at the end of school year. Sabi nila kapag President daw, utos ka lang ng utos pero hindi ko kaya yun. Ayokong mag-utos na hindi nila nakikita na kumikilos din ako. Dapat daw yun President matapang at kinatatakutan pero ako hindi. Hindi ko magawang magalit sa mga subordinates ko kasi ayoko na magkaroon sila ng tampo sa akin o magkaroon ng ilangan. Natatawa nalang ako kapag naalala ko yun sinabi sa akin ng SSG adviser ko, “Ikaw talaga Araneta, hindi ka marunong magalit. Kaya ayan tuloy hindi sila takot sayo. Inaabuso ka nila.….” Ako kasi yun tipo na kapag may kailangan kaming gawin o kailangan ko sila, hindi ako namimilit na pumunta sila kung sino lang yun may gusto. Ayoko kasi na paulit-ulit na tawagin pa sila kaya hinahayaan ko nalang o kaya naman kung sino lang yun makaramdam na nagtatampo na ako -- kung hindi edi hindi. Okay lang. Isa to sa trait na ayaw ng SSG Adviser ko kasi daw parang sinasarili ko na yun mga dapat gawin. One time, inutusan ako na patawagin yun mga officers ko, meeting daw. Pagpasok namin lahat sa room nandoon din yung ibang teachers namin. Pinatayo ako sa harap tapos pinagsalita,  “Araneta, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. Yun hinanakit mo…..” habang sinasabi yun ng adviser ko pinipigilan ko talaga yun pagtulo ng luha ko. Kaso kapag punong-puno kana talaga hindi magpapapigil yun mga luha mo. Kaya habang nagsasalita ako panay punas ako ng luha. Ewan ko lang kung may naintindihan sila nun.

         Syempre hindi naman sad yun last year ng high school ko, challenging lang. I am blessed kasi marami akong natutunan at na-experience hindi lang itong mga na-enumerate ko. Naging lady guard ako ng school, wala kasi kaming guard before na magbabantay talaga sa entrance gate kaya isa sa mga responsibilities ng SSG Officers ay magbantay. Kami yun taga-inspect ng mga bags, kung nakasapatos ba o maayos yung pagkakasuot ng uniform, yun earrings ng mga lalaki at ng ID. Naging entrepreneur, gumagawa kami before ng yema tapos inilalako namin yun sa school pag-recess time - source of funds namin para sa project namin. At ang hindi ko makakalimutan ay yung natututo ako magkarpentero. Natatandaan ko pa nun hindi lang mga gamit sa eskwela yun laman ng bag ko – may mga pako, alambre, pliers at martilyo rin akong dala. Kaya siguro di na ako tumaas pa kasi ang bigat bigat ng dala kong bag noong high school! (Hahaha! Nahihiya kasi ako panay hiram sa Property namin ng mga gamit e.) Harapan lang ng school namin dati yun sementado yun bakod yung bandang likuran at gilid kawayan lang yun ginawang fence. Dahil kawayan nga lang madali lang yun gawan ng butas ng mga pasaway na mga estudyante para mag-skip ng classes nila. Naaalala ko pa nun, minsan kapag ako lang mag-isang nag-aayos lalapitan ako ng taga-lower years tapos magtatanong, “Gusto mo nang tulong?” Pero halos every Saturday, nagpupunta kaming mga SSG Officers para pagtulungan ayusin yun mga sirang fence. Nakakatuwa nga minsan kasi kahit hindi officer may nag-vovolunteer na tumulong sa amin. Aside sa pagiging SSG President naging busy rin ako sa tuwing may activities sa school lalo na pag-under yun ng organization na nasalihan ko ( eg. Intramurals, Linggo ng Wika, ..)--- nagiging instant organizer ako, ako yun mag-iisip ng concept at yun magiging flow ng program at MC pa minsan. Meron rin kasi kami before yung tinatawang na “Word of the Day” both in English and Filipino sa akin din naka-assigned yun. Ako yun nag-iisip nang mga words and examples na isusulat sa board. Thank you kay Websters! Hindi ko pa kasi kilala si Google that time. Ignorant pa ako sa computers noon, ang inaasahan ko lang noon ay mga textbooks, encyclopedia at dictionaries. Kaya ewan ko ba paano ako napunta ngayon sa coumputer course. Sa College ko nalang talaga na-meet sila pareng Facebook at Google. Idag-dag mo pa na madalas ako din yun nagiging leader sa groupings sa klase.  Kaya wala atang gabi na wala akong iniisip bago ako matulog. Laging may tumatakbo sa isipan ko na "Anong gagawin ko kapag...", "Paano kaya kung..." at "Sana...." . Hindi ako nauubusan ng worries. Kapag na-iisip ko tong mga to napapatanong nalang ako sa sarili ko, “Paano ko kaya napagsasabay-sabay lahat ng yun?” Kaya before ako matulog after ng graduation ko nagpromise ako sa sarili ko na "Tama na yun apat na taon na pagsisilbi ko sa school. Ayoko na sumali sa mga organizations sa College. Gusto kong maranasan na maging malaya sa responsibilities."

        Hindi ko maiwasan na hindi ma-upset sa sarili ko nung ma-disappoint ko yun parents ko at yun iba na nag-eexpect na ako yun magiging Valedictorian or Salutatorian. Kasi nabigo ko sila dahil naging First Honorable ako at Leadership Award ang nakuha ko.  Though I knew to myself that I gave my best and my every thing. Noong una, nakaka-upset talaga kasi hindi ko yun inaasahan parang  "Wait lang, eto na ba talaga yun result ng best ko? Eto na ba yun?" Pero syempre I need to accept it and be happy and contented nalang kasi yun lang yun naabot ng grades ko eh. Inisip ko nalang na hindi talaga laan para sa akin na maging isang Valedictorian or Salutatorian kasi para sa iba talaga yun.

       Natatandaan ko bakasyon noon bago ako maging sophomore nasa Maynila kami ng family ko. Medyo late na nang gabing yun pero ka-text ko parin yun isa sa bestfriends ko na nasa Cebu. Wala pa akong sariling cellphone dati kaya nakikihiram lang ako sa papa ko o kayak ay mama. Medyo matagal kasi magreply yun bestfriend ko nun hanggang nakatulog nalang ako. Kinabukasan, paggising ko, yun saktong  kakamulat pa lang ng mga mata ko, binungad agad ako ng mama ko "Lagot ka Roa, galit yun Papa mo sa iyo." Bigla akong napabangon sa kaba. "May nag-message sa iyo, mangliligaw daw." dagdag pa ni Mama. Napa-"Haaah?!" nalang ako nun kay Mama kasi wala naman akong matandaan na may nag-message sa akin ng ganun bago ako matulog at iisa lang naman yun ka-text ko nung gabi. Yun pala pinsan yun ng bestfriend ko, nakihiram ng cellphone sa kanya tapos iyon na. Halos tatlong araw ako hindi kinibo ng Papa ko noon kaya parang na-trauma ako sa cellphone at texting. Kaya noong magpasukan umiiwas ako sa mga lalaki kong klasmeyts kasi natatakot ako na baka maulit ulit yun. Kapag may mga lalaki na pumupunta sa room namin o kaya gustong lumapit sa akin para man-trip, kumukuha agad ako ng walis-tambo sa broom stand para panakot sa kanila o kaya naman kapag sadyang makulit sila magkukunwari akong iiyak o maggagalit-galitan pero pag hindi effective parin ang mga yun tatakbo ako sa library kasi doon din yun mga teachers para makatakas ako sa kanila. Ang rude ko ba? Ang childish ko talaga no? I admit naman eh.

      Noong second year din naging interesado ako sa History lalo na sa mga sinaunang tao tulad Homosapiens, kung paano sila namumuhay saka yun paglipat-lipat nila ng tirahan o kweba . Kaya curious na curious ako noon about caves kaya gusto kong makakita kahit isa lang sa tanan buhay ko. Sakto naman na narinig ko yun iba kong mga kaklase na may pupuntahan daw sila na kweba. Ako naman sobrang na-excite kaya sinubukan kong i-convince yun pinsan ko na sumama kami sa kanila. Kami kasi ng pinsan ko, magkarugtong yun mga bituka namin kasi -- pagpinayagan ako papayagan din siya, pag hindi ako pwede hindi rin siya. Siguro nung naawa na yun pinsan ko sa akin sabi niya nalang "Sige na Roa, sumama kana sa kanila. Hindi kita isusumbong kay Auntie. Promise." Noong una parang ayoko pa kaso gusto ko talaga eh, inisip ko nalang that time na ayokong sayangin yun pagkakataon baka panghinayangan ko pa balang-araw. Kaya ayun sumama talaga ako sa mga classmates ko na magpunta sa kweba.At the end of the day na-satisfied ko ang sarili ko. Wala akong pagsisisi.

       Noong third year naman ako nag-decide si Mama na magtayo ng maliit na tindahan at mag-alaga ng mga baboy. Di ko nga alam kung may tinutubo pa yun mama ko sa mga tinitinda niyang chichirya e, kasi sa amin lang na magkapatid nauubos yun. Tuwing papasok kami ang dami namin baon na chichirya o biscuits tapos hihingi pa kami ng dagdag na pera. Pagdating sa klase kahit first period pa lang sa umaga may ningunguya na ako habang nakikinig sa discussion. Pasimple lang ako dumudukot sa bulsa ko kapag di nakatingin si teacher. Tapos sa gabi naman, minsan kapag nahuhuli akong matulog tapos inabutan ako ng gutom, mag mimid-night snack ako - kukuha ako ng softdrink sa ref tapos biscuit o tinapay. Kinabukasan magtatanong yun mama ko "Roa may bumili ba kagabi? Kulang na yun paninda saka softdrinks."
  
          First year ako nang makita ko ang first love ko -- ang koreanovela. Nang mapanood ko talaga yun trailer ng Princess Hours na-hooked talaga ako and its the beginning of my obssession. Ang ganda kasi ng plot ng story tapos ang kwela pa ng bidang babae kaya ko siya nagustuhan. Gabi-gabi ko yun sinusubaybayan kahit late na at inaantok na ako inaantay ko pa rin. Madalas akong mapagalitan ni Mama dahil sa panonood ko kasi masyado na ngang gabi yun tapos kailangan ko pang gumising nang maaga. Usually kasi diba sa probinsya madalas wala pang 8pm yung mga tao doon nakahiga na? Kaya minsan pag alam ng mama ko na tapos ko na lahat ng gagawin ko pinapapasok na niya ako sa kwarto, tumatabi pa ako noon matulog kanila Mama at kapatid ko kasi takot ako matulog mag-isa sa kwarto ko. Kahit na sa kwarto na ako  hindi pa ako matutulog niyan, pakikiramdaman ko muna si Mama kung mahimbing na yun tulog niya. Kapag sigurado na akong tulog na si Mama dahan-dahan akong babangon tapos lalabas ng kwarto. Kapag nasa sala na ako napapatalon ako sa tuwa kasi makakapanood ako. Bubuksan ko yun tv tapos hihinaan ko yun volume then Voila! Success! If there’s a will, there’s always a way nga diba? Ayan ang paniniwala ko.

         Masarap sa pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka diba? Lalo na kapag ibang tao at mas lalo na kapag yun parents ng classmates or friends mo. Sa tuwing pupunta kami ng mga kaklase ko sa bahay ng isang kaklase namin, nakakatuwa isipin na kilala ako ng magulang nila at may good impression sila sa akin. Sa tuwing may General meeting kasi sa school, SSG Officers yung na-o-organize ng venue saka nag-assist sa mga guardian. Kaya kapag may lakad kami or kailangang gawin ng mga kaibigan or classmates ko, ako minsan yung pinagpapaalam nila, “Roa, ikaw nalang magsabi kay Mama. Papayag yun sayo.” Diba nakakataba ng puso na pakinggan yun? Kaya mahalaga para sa akin ang salitang “Trust.”

       Madalas sa  mga girl friends ko lang ako nakakatanggap ng mga cards or letters pero nung fourth year ako, first time kong makatanggap ng confession letter. Medyo nakakatawa nga eh. Tandang tanda ko pa, August yun nagbabantay ako ng gate ng may lumapit sa akin. Third year student siya tapos tinanong niya ako kung meron ba akong Periodic Table of Elements at kung pwede niya hiramin, syempre sagot ko,”Oo, pwede.” Kinabukasan, inabot ko na sa kanya yung PTE, naka-four-folds yun noong pagbigay ko. After one or two days sinuli niya na rin yun sa akin, naka-four-folds pa rin. Noong pagkasuli niya hindi ko na tinignan or binuklat pa yun basta deretso pasok na sa bag ko, pagdating sa bahay tinago ko na ulit sa lagayan. Nagtataka nalang ako kasi lagi akong kinukulit ng classmates or kaibigan niya kung may natanggap ba daw akong letter, lagi kong sagot noon sa kanila “Wala naman akong natatanggap na letter.” October noon at kailangan ulit namin i-memorize yun PTE sa Physics. Pagbuklat ko nang PTE ko may nakita akong nakadikit na papel doon tapos napa-nganga nalang ako nang ma-realize ko na yun pala yun tinutukoy nila.  Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nandoon yun takot ulit na baka mapagalitan ako pero syempre natuwa ako nun kasi first time ko yun na makatanggap at medyo epic pa. Ayaw ko man pero sinunog ko yun letter kasi baka mabasa ni Mama, yari ako. Kinabukasan kinausap ko siya tungkol doon. 

      Kapag may mga projects ako noon na kailangan ko sana yun tulong ng Papa ko, wala akong magawa kundi sarilihinin yun kasi yun Papa ko nasa Maynila naghahanapbuhay. Lalo na kapag magtretree planting kami tapos kailangan namin magdala ng tree guard. Wala akong ibang maaasahan gumawa nun kundi sarili ko lang kahit na minsan daliri ko na yun napopokpok ko ( Hahaha) o kaya may tutulong sa akin na maghakot ng fertilizer. Kaya minsan naiinggit ako sa mga classmates ko na may Papa o kapatid na maaasahan nila. That’s how I learned not to be dependent to anyone.

      Alam niyo ba yun tawag sa truck na parang dump truck pero hindi siya nag-da-dump? Yun madalas na nilalagyan ng buhangin or hollow blocks? Basta yun na nga yun. Kasi yun yung naging school service namin tuwing umaga. Madalas sa may waiting shed kami naghihintay noon na dumating yung truck. Tapos kapag aakyat na kami madalas pinagtatawanan ako nila kasi hirap na hirap ako umakyat pati sa pagbababa. (Hahahahahaha!) Feeling ko kapag nakasakay ako doon para akong nasa roller coaster kasi naman mala-roller coaster rin yun daanan namin doon eh.

   Nakaka-miss yung pag-gawa ng mga tula, mga narratives, yun magprapractice para sa interpretation ng song, yun rehearsal para sa drama, yun mga reportings at paggawa ng mga arts. Mas lalo naman nakaka-miss yung mga kaklase ko. Naaalala ko nun pag nag-gagardening kami tinatakot nila ako ng uuod kasi alam nilang takot ako doon kaya nagiging statue ako pansamantala saka mapapatakbo kung saan.  Mayroon rin akong classmate na sobrang kwela kaya madalas may tawanan sa room. Yun iba ko naman na mga kaklase na lalaki mahilig magconcert sa loob ng classroom. Tapos yun ibang babae na sa sulok na nagbabasa ng pocket book. Yun iba naman makikita mo nakahiga at natutulog sa sahig. Yun iba gumagawa ng assignments o projects. Tapos yun iba kong mga classmates nasa labas nagchichismisan. Tapos yun iba busy sa pagpapaganda. Sa classmate ko rin ako natutong maglagay ng eyeliner, nung una naluluha pa ako. Tapos may classmate rin ako na magaling mag-ayos ng buhok kaya minsan sa kanya ako nagpapatali pag noon-break. Saka nakakamiss yung ibat-ibang tawagan namin – may noona ako, may honeybunch, may boo at may coz.


       Pero ang pinaka nakaka-miss ko sa lahat at gusto kong alalahanin lagi? Yun quality time na kasama ko yun mga bestfriends ko. Lima kami na magbabarkada na solid simula Daycare pa lang kami. Alam nila kapag nagtatampo na ako kahit tumatawa ako. Alam rin nila kapag pinipigilan ko yung tawa ko. At mas lalong alam din nila na makakalimutin ako. Minsan kapag pauwi na kami sa hapon magugulat nalang sila sa “HALA!” ko sabay sabi nila ng,  “May nakalimutan ka na naman? Bilisan mo.” tapos iiwan ko sa kanila yun bag ko tapos tatakbo pabalik ng school. Kapag lunch time naman sa may tabing-dagat kami madalas kumain saka magsalo-salo. Ang sarap ng hangin doon, presko! Mayroong waiting shed doon at madalas kami yun nauuna. Share-share kami ng mga ulam namin. Tapos kapag low-tide hinuhubad namin yun mga palda kasi may doble naman kaming short saka mga sapatos namin tapos deretso na kami sa dagat. Maghahabulan kami doon, magtatampisaw, maglalaro o kaya lakad lakad lang. Kapag high tide naman doon lang kami nakaupo, magkwekwentuhan, magkakantahan o gagawa ng assignments or project. Nakakamiss talaga. Sa hapon naman,maghihintayan kami niyan. Thirty minutes away yun bahay namin sa school pero kapag kami magkakasama nagiging isang oras yun. Paano naman kasi bawat may madaanan na tindahan hihintuan namin kaya suki na kami ng mga tindahan doon. O kaya naman kapag napasarap yun kwentuhan namin hihinto kami sa paglalakad tapos magfoformed ng circle tapos lalakad ulit tapos hihinto hanggang makarating na kami sa amin. Kapag hindi namin natapos yun kwentuhan magyayaan kami na mag-igib tapos sa may balon namin tatapusin. Wala pang water system noon kaya kailangan pa namin pumunta sa balon para mag-igib ng tubig. Kapag napapansin niyo yung mga magtataho ganyan kami mag-igib ng tubig, titimbangin namin yun balde at mga gallon. Nakaka-miss din yun pag may birthday sa amin na magkakabarkada lagi kaming present sa isat-isa simula elementary. Naaalala ko rin kapag season ng bayabas, minsan kapag pauwi na kami sa hapon hihinto mo na kami sa may bayabasan tapos doon maghahanap, pagbalik namin sa kalsada puro amorsiko na yun mga palda namin. Treasure ang memories nato para sa akin.

        And lastly, isa sa hindi ko rin makakalimutan na kaganapan sa high school life ko ay nangyare weeks before our graduation rite. Ito yun pagkakataon na naniwala at natakot ako sa karma. Hindi ko nalang i-dedetails pero may kinalaman yun kantang “Fixing a Broken Heart” Kapag nakakarinig ako ng kantang yan napapangiti nalang ako.


"WE NEED SOMETHING UNEXPECTED TO HAPPEN IN ORDER FOR US TO REALIZE THAT EVERYTHING ELSE WAS EXPECTED." - Shania Twain


Sabado, Mayo 9, 2015

Relationship Goals

I have heard my friends before talking about their relationship goals and I often see photos or post about it . It makes me wonder and stir my thoughts about it. Eventually, I have narrowed down everything what's came up on my mind. What would be my future relationship goals someday?
Well, 


1. Attending the Holy Mass

Hopefully, my knight in shining armor will be a religious as me so we can attend holy mass together.

2. Cook for him

Though, I'm really no good in cooking, but still I want to learn so I can prepare him, his favorite dishes.

3. Dinner with family/ Get-together

I want a happy and harmonious relationship, I want him to be okay with my family and me to his.

4. Just play

After our busy schedules, I want us to have time together. grab some board games, card games or play sports and act silly just like kids again. Simple as that. :)

5. Watch a fireworks display

Just like Jun Pyo and Sandy of BOF or Agnes and Xander in Forevermore, I dreamed of watching those playful and magical fireworks too, with someone I love. 

6. Explore/ Travel

I want to travel and visit the places I am wishing of like Batanes. I hope that even if not on my first time to that certain place, perhaps in my second time around there I have someone who will accompany me to whom I can share memories with.

7. Go on a random dates

I believe, dates should not done occasionally, it is done often. Even if, its very simple, just like eating street foods or hopping in a local restaurant, it still romantic as long as both are happily in love. 
Love should celebrate everyday. :)

8. Doing nothing

Just like you are sitting outside while gazing those uncountable twinkling stars up in the sky, just leaning to each other, walking while holding hands, having a small talk or laughing out loud while watching a movie.

9.  Exchanging messages

As simple as "good morning" or "good evening" can make a day complete.

10. Being supportive partner to each other

Whatever he wants to achieve,  or whatever he is aiming for, as long as it will make him happy and better, and it cannot harm our relationship, I will be his no. 1 supporter. I hope he is also to me. :) 





Biyernes, Mayo 8, 2015

My Future Goals

I have lots of things running on my mind that I wish I can do and I have so many dreams that I wanted to reach and hoping that someday I can turn them into reality.
Want to know what's on my mind?



http://publishingperspectives.com/wp-content/uploads/2012/11/business-building-skyscraper.jpg
1. I want to work in an esteemed company. I want to be part of an organization where I can able to utilized my skills and make an impact, where I feel I was really belong, and where I love what I am doing.


https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTBh8zNWoy7feAFFmTn5YUyUyEJhSVVYStuai7QFW1GDC-pWD1J
2. I want to explore new places, discover new things and interact with foreign people and learn their culture. I just really want to enjoy my life :)


http://www.inewmedia.org/wp-content/uploads/2013/10/Buy-your-dream-house-in-Cebu.jpg
3. I will save money so I can own a house or build my dream house.



https://bransonstonecastle.com/sites/bransonstonecastle.com/files/blog/images/family%20reunion.jpg

https://bransonstonecastle.com/sites/bransonstonecastle.com/files/blog/images/family%20reunion.jpg

4. I will plan an events for my family and relatives so we can have more and more memories together.



http://blog.journals.cambridge.org/wp-content/uploads/2012/05/Cooking-image.jpg

5. Oh! I am really no good in cooking so I wanted to learn. :)



https://thegiftcollective.com/api/file/show/2014/10/original-dream-Skydive.jpg
6.  I want to experience this.. I want to challenge myself and make an awesome selfie while I am soaring. :P


http://www.stjosephschoolsylvania.org/sites/default/files/sports.jpg
7.  I wanted to be a sporty person where I can play rackets and balls or boxing. Why not?



https://encrypted-tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTiM8z-bnpkF7KdBKWRLF1Qhb9OEt_AlT26P7mSX38x0hop1kKJ
8. I wanted to learn how to play guitar but it seems guitar doesn't like me.... 






https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTkea1KEON6ulhMyHfVFq-HqZg7ST5S_6wKiLZIWOiyDYKeoPTp
9.  I like to buy myself an HDSLR in the future so I can have a good shot of those unforgettable moments and amazing things that I will encounter.




http://blog.relationshipsurgery.com/wp-content/uploads/2014/08/45043-Couple-In-Love.jpg
10. I never been into any relationship yet. I wonder, how does it feel that there is someone aside from your family and friends who is very caring for you? Someone you can act silly with. Someone who will hold your hands when you are scared and afraid. Someone you can lean on. Someone you can share of your happiness and dreams. And someone who wants to grow old with you. I wanted to feel that too.  Is that someone really exist ?  hard to find? or its just because love is so complicated?

Thank you for reading!

[Courtesy to Google for the images I used in my article.]